Home NATIONWIDE Ex-DPWH chief Bonoan, contractors dumalo sa pagdinig ng Senado sa flood control

Ex-DPWH chief Bonoan, contractors dumalo sa pagdinig ng Senado sa flood control

337
0

MANILA, Philippines – Dumalo sina Former Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, mga government official, at mga contractor sa ikalawang Senate hearing sa ‘maanomalyang’ flood control projects ngayong Lunes.

Nakahandang humarap si Bonoan sa mga pagkekwestyon sa Senado ngayong araw. Siya ay nag-resign sa DPWH at ngayon ay pinalitan ni Transportation Secretary Vince Dizon.

Iba pang mga opisyal ng DPWH, Department of Budget and Management, Bureau of Internal Revenue, at ang Commission on Audit ay dumalo din sa hearing na pinamumunuan ng Senate Blue Ribbon Committee, at Chair nito na si Sen. Rodante Marcoleta.

Dumalo din si Sarah Discaya, kasama ang iba pang contractors na pinatawag sa pamamagitan ng subpoena.

Nilagdaan ni Senate President Francis Escudero noong nakaraang linggo ang mga subpoena para sa mga contractor ng flood control project para pilitin silang dumalo sa pagdinig ngayong araw sa isyu.

Dumalo din sa pagdinig si Former Bulacan first district engineer Henry Alcantara.

Inamin ni Bonoan, sa unang pagdinig, ang pagkakaroon ng di-umano’y “ghost” flood control projects sa Bulacan.

Ang pagsisiyasat ng Senado ay isinagawa matapos maglathala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng listahan ng nangungunang 15 flood control contractor sa bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here