Home HOME BANNER STORY Pangilinan sinopla si Marcoleta: ‘Walang personalan sa Senado, trabaho lang’

Pangilinan sinopla si Marcoleta: ‘Walang personalan sa Senado, trabaho lang’

343
0

MANILA, Philippines – Nakatikim ng mapait na katotohanan si bagitong Senador Rodante Marcoleta sa beteranong mambabatas na si Senador Francis “Kiko” Pangilinan hinggil sa natanggap nitong “fake news” hinggil sa kanyang posisyon sa paglikha ng independent commission na mag-iimbestiga sa kuwestiyonableng flood control projects.

Sa pahayag, ipinunto ni Pangilinan sa kanyang statement sa panukala ni Senador Vicente Sotto III sa Senate Bill No. 1215 na naglalayong bumuo ng People’s Commission (IPC) na imbestigahan ang infrastructure projects sa gobyerno partikular ang flood-control initiatives.

“Una sa lahat, mali-mali ang impormasyon ni Sen Marcoleta. Hindi ako ang nagmungkahi ng Independent Commission at panukalang SB 1215 ito ni Sen Sotto. Kulang siya sa research,” ayon kay Pangilinan.

Idinagdag pa ni Pangilinan na walang kapangyarihan at karapatan si Marcoleta na pigilan ang sinumang mambabatas na suportahan ang panukala ni Sotto.

Aniya, hindi insulto ang panukala kay Marcoleta chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee na imbestigahan ang katiwalian sa flood control projects na nagsimula sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Mahigpit na kaalyado ni Marcoleta si Duterte at kasama itong nag-archive sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

“Sa Senado, baka hindi pa niya alam ay malayang maaaring magmungkahi ang mga Senador ng mga panukalang batas at malayang manawagan ng suporta sa mga nasabing mga panukalang batas ang bawat isa sa amin. Hindi ito pang-iinsulto. Trabaho namin ito,” ani Pangilinan.

“Sa halip na ma-insulto si Sen Marcoleta sa panukala ni Sen Sotto at pagsuporta ko dito ay galingan na lang niya ang pag-iimbestiga niya at patunayan ang husay nito bilang bagong chairman ng Blue Ribbon committee,” giit ng beteranong senador.

Binanggit din ni Pangilinan na hindi siya namemersonal sa pagsuporta sa panukala ni Sotto.

“Matagal na ako sa Senado at alam ng lahat sa Senado na wala akong oras na makipag personalan sa trabaho. Solusyon at pananagutan sa problema ng matinding kurakot sa flood control projects ang hinahanap ng taumbayan.”

“Walang personalan sa Senado, trabaho lang,” aniya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here