Home NATIONWIDE Law students binalaan, ‘wag masyadong umasa sa AI

Law students binalaan, ‘wag masyadong umasa sa AI

226
0

MANILA, Philippines – Hindi dapat magkaroon ng shortcut sa pag-aaral lalo sa pamamagitan ng AI o artificial intelligence application.

Ito ang sinabi ni Supreme Court Senior Assocaite Justice Marvic Leonen kasabay ng babala sa mga bagong law students.

Giit niya, mas mahalaga na basahin ng mga estudyante ang buong kaso word for word at hindi lang umasa sa mga buod.

Sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagbabasa ng mga kaso, ang utak ng mga estudyante ay masasanay sa mga wika ng batas at mas magiging madali para sa kanila na magbasa ng daan-daang pleadings at desisyon.

Nagbabala rin si Leonen sa mga estudyante laban sa tinatawag na “digital amnesia,” o ang ugali na basta inilalagay na lang sa gadgets ang impormasyon sa halip na intindihin at tandaan.

Mahalaga rin aniyang matutunan ang face-to-face communication, dahil kakailanganin ng mga abogado na makipag-usap ng personal sa kanilang mga kliyente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here