Home ENTERTAINMENT Kristoffer, may mensahe sa mga motorista!

Kristoffer, may mensahe sa mga motorista!

319
0

Manila, Philippines- Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin ang kinasangkutang aksidente.

Ipinakita rin niya ang mga galos at sugat na natamo sa kanyang katawan.

May word of caution pa siyang iniwan na:

“Pag lasing, pumirmi na kung san abutan. Magpababa. Wag na magmotor or magdrive. Please.”

Ini-screenshot din niya ang laman ng kanyang IG story.

Aniya: “Naaksidente ako kanina.

“Ang bilis ng pangyayari. Mabagal pa takbo

kasi kakaalis lang sa meeting place.

“Chineck lang sapatos ko if nakaclipped-in. Tapos ang bilis ng nangyari.

“May nag counter flow na motor. Lasing-

Tumilapon na ko.

“Si kuya nakita ko bumagsak tapos duguan na. Akala ko nakapatay ako. Lord salamat buhay

si kuya. At minor injuries lang sakin.

“Pero yung ang tagal ko sa presinto nag-

aabang ng news if buhay ba si kuya, yun ang iniisip ko magdamag.

“At the end of the day, pareho kaming buhay. Yun pa rin ang pinakamalaking pasasalamat ko. “Mag-ingat tayo lahat. Laging isipin may pamilyang naghihintay satin makauwi.”

May mga nag-alala naman sa aktor at nag-wish na gumaling ito agad.

May kibitzers namang nagsasabing takaw-aksidente ang aktor.

Noon lang Marso ay na-hit and run si Kristoffer ng isang motor taxi.

Nagkaroon din siya ng freak accident noong 2023 nang sumali siya sa triathlon. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here