Home NATIONWIDE PAGASA: Habagat, buntot ng LPA magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

PAGASA: Habagat, buntot ng LPA magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

309
0

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng PAGASA na magpapatuloy ang mga pag-ulan at thunderstorms sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong Martes, dulot ng trough ng low pressure area (LPA) at Southwest Monsoon o Habagat.

Ayon sa PAGASA, as of 2 a.m., mababa ang tsansang maging bagyo ng naturang LPA sa loob ng 24 oras. Natukoy ito alas-3 ng madaling araw, nasa 865 kilometro silangan ng Hilagang Luzon.

Makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Cagayan Valley, Central Luzon, Ifugao, at Benguet.

Samantala, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Camarines Norte, at Camarines Sur ay makakaranas din ng maulap na kalangitan at thunderstorms dahil sa Habagat.

Bahagyang maulap hanggang maulap naman ang panahon na may isolated rainshowers sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at iba pang bahagi ng Visayas.

Nagpaalala ang PAGASA sa publiko na maging alerto laban sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga apektadong lugar. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here