Home HOME BANNER STORY Binuong internal probe team ng DPWH sa flood control anomalies, bubuwagin ni...

Binuong internal probe team ng DPWH sa flood control anomalies, bubuwagin ni Dizon

245
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni bagong talagang Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na bubuwagin niya ang internal investigation team ng ahensya kaugnay ng mga maanomalyang flood control projects.

“’Yun pong tinayo ng DPWH na internal investigation committee… bubuwagin ko po ’yun. Hindi po ako naniniwala na puwedeng imbestigahan ng isang ahensya ang sarili nito,” pahayag ni Dizon sa panayam sa isang ulat.

Aniya, tungkulin lang ng DPWH ang mangalap ng impormasyon na isusumite sa independent commission na itatatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ng executive order.

“Ang gagawin lang po natin pagpasok natin is we will gather the information at ipapasa po natin ito sa independent commission dahil sila lang po ang sa tingin ko may karapatan na mag-imbestiga,” dagdag pa ni Dizon.

“The independent commission will be the investigative arm, so that they will continue to investigate whatever information is received. It will be sent to them, they will investigate it, and they will make recommendations as to how to proceed,” aniya pa.

Matatandaang nanumpa si Dizon bilang bagong kalihim ng DPWH nitong Lunes, kapalit ni Manuel Bonoan na nagbitiw sa gitna ng imbestigasyon sa ghost at substandard flood control projects. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here