Home METRO Red tide sa 3 look ng Eastern Visayas, nagpapatuloy!

Red tide sa 3 look ng Eastern Visayas, nagpapatuloy!

348
0

TACLOBAN CITY, Philippines – Ibinabala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Martes na apektado pa rin ng red tide ang tatlong baybayin sa Eastern Visayas.

Base sa eksaminasyon ng mga shellfish at seawater samples, tatlong baybayin ang nag positibo sa toxic red tide na lumagpas sa regulatory limit.

Sa huling national shellfish bulletin apektado ng red tide ang Matarinao Bay sa General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo sa Eastern Samar.

Nagbabala ng lokal na red tide warning sa Cancabato Bay sa Tacloban City at Irong-irong Bay sa Catbalogan City sa probinsya ng Samar.

Gayundin, apektado ng red tide ang Dumanquilas Bay sa Zamboanga del Sur at coastal waters ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay.

Nagbabala ang BFAR sa publiko na bawal ang pag huli, pag benta, o pag kain sa kahit anong uri ng shelfish, maging ang mga maliliit hipon sa nasabing mga lugar.

Ang isda, pusit, hipon, at alimango ay ligtas kainin kung ito ay sariwa, nahugasang mabuti at natanggalan ng mga lamang loob bago lutuin.

“To safeguard human lives, we are issuing this warning as precautionary advice to the public to refrain from gathering, selling, and eating all types of shellfish and Acetes sp., locally known as alamang or hipon, from these bays,” saad ng BFAR sa kanilang local shellfish bulletin.

Ang pagkain ng mga shellfish na may red tide ay maaaring maging banta sa kalusugan at maaring magdulot ng pagkalason o maging pagkasawi.

Sinabi ng BFAR na ang pagkakaroon ng red tide cyst sa mga look ng rehiyon ay nag-trigger ng pag-ulit ng phenomenon. Ang madalas na pag-ulan ay maaaring magdulot ng runoff ng mga sediment ng lupa na mayaman sa organikong bagay na nagpapataba sa red tide cyst. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here