MANILA, Philippines – Tatlumpo’t limang porsyento ng mga Pilipino ang nagsabing gumanda ang kanilang pamumuhay kumpara noong nakaraang taon, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS). Dalawampu’t tatlong porsyento ang nagsabing lumala, habang 42% naman ay walang pagbabago.
Isinagawa ang Second Quarter 2025 survey noong Hunyo 25–29 sa 1,200 katao sa buong bansa, na may ±3% national margin of error.
Pinakamataas ang Net Gainers sa Visayas na umabot sa excellent +22, sinundan ng Mindanao (+16), Metro Manila (+10), at Balance Luzon (+6).
Ayon sa SWS, tumaas ng 7 puntos ang nationwide Net Gainers mula Abril hanggang Hunyo, maliban sa Balance Luzon na bahagyang bumaba. Santi Celario