Home HOME BANNER STORY Pinas, nananatiling ‘bullying capital’ ng mundo!

Pinas, nananatiling ‘bullying capital’ ng mundo!

436
0

MANILA, Philippines – Nananatiling “bullying capital of the world” ang Pilipinas matapos lumabas sa datos ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) na 63% ng mga Grade 5 estudyante ang nakararanas ng pambu-bully kahit isang beses sa loob ng isang buwan—doble sa average ng OECD.

Base sa mga pag-aaral mula sa Programme for International Student Assessment (PISA), DepEd records, and studies with De La Salle University, sinabi ni EDCOM II Executive Director Dr. Karol Mark Yee na 63 porsyento ng Grade 5 studes ang nakararanas ng panghaharas, hindi sinasali sa gawain, pinagtatawanan, sinasaktan, o pinagkakalat ng maling balita.

“The Philippines is seen to be the bullying capital of the world with the highest prevalence of bullying in our country, double the average of OECD, and also 63% of grade 5 students saying that they experience bullying at least once a month. The definition of bullying in this context is that they felt harassed or threatened by classmates, that wrong news or allegations were spread about them,” ani Yee sa isang joint House briefing nitong Martes.

Sinabi rin ng EDCOM II na may 4,460 bakanteng guidance counselor posts ang DepEd. Sa higit 47,000 paaralan sa bansa, mayroon lamang humigit-kumulang 5,001 registered guidance counselors at 3,000 psychologists.

Bagama’t nagdagdag ng 5,000 counselor slots at tinaasan ang salary grade sa ilalim ng Basic Education Mental Wellness Act, sinabi ni Yee na malubha pa rin ang kakulangan, lalo na sa mga rehiyong walang graduates ng guidance counseling kahit daan-daan ang bakanteng posisyon.

Nanawagan ang mga mambabatas ng mas mahigpit na koordinasyon ng DepEd at CHED para mapalawak ang counseling programs. Sa kanyang SONA, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-hire ng mas maraming school counselors upang tugunan ang bullying at mga isyung pangkalusugan ng isip ng mga kabataan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here