Home HOME BANNER STORY 6-anyos utas matapos aksidenteng mabaril ng ama sa NegOcc

6-anyos utas matapos aksidenteng mabaril ng ama sa NegOcc

244
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang anim na taong gulang na babae matapos tamaan ng bala sa pisngi nang aksidenteng mabaril ng kaniyang ama sa Victorias City, Negros Occidental.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente habang nakikipag-inuman ang 32-anyos na ama kasama ang mga kaibigan. Pinaglaruan umano niya ang baril na aksidenteng pumutok at tumama sa anak.

Agad na dinala sa ospital ang bata ngunit binawian din ng buhay. Hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya laban sa ama, ngunit patuloy na hinahanap ng pulisya ang hindi lisensiyadong baril. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here