Home METRO 17-anyos na may autism kinuyog ng 4 katao

17-anyos na may autism kinuyog ng 4 katao

244
0

MANILA, Philippines – Isang 17-anyos na binatilyo na nasa autism spectrum ang nagtamo ng maraming sugat matapos bugbugin ng apat na tao, kabilang ang dalawang menor de edad, sa Barangay Bata, Bacolod City.

Kita sa CCTV na hawak ng ilan ang biktima habang pinagsisipa at sinuntok, at hinampas pa ng tubo.

“Maraming pasa sa mukha… sipa, sakal, suntok, mahigit 30 siguro,” ayon sa kapatid ng biktima. Kuwento naman ng biktima, tinawag siyang “baliw” bago siya pinagtulungang bugbugin.

Ayon sa mga residente, madalas siyang tuksuhin sa lugar.

Natukoy ang mga suspek matapos magsampa ng reklamo ang pamilya, at inihahanda na ang kaso sa prosecutor’s office.

Kinumpirma ng barangay na naglabas na ng certificate to file action matapos mabigo ang settlement.

Determinado ang pamilya na magsampa ng kaso: “Kung pababayaan namin, how about sa ibang PWD? Hindi lang ito para sa kapatid ko,” ayon sa kapatid ng biktima.

Giit ng isang special education teacher, dapat unawain ang kalagayan ng mga may autism dahil hindi nila kayang ipagtanggol ang sarili at madaling maapektuhan kapag tinutukso. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here