Home METRO Pamilya minasaker sa ambush sa Maguindanao Norte

Pamilya minasaker sa ambush sa Maguindanao Norte

282
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang mag-asawa at kanilang 16-anyos na anak na babae, habang sugatan ang 11-anyos na anak na lalaki, matapos tambangan ang kanilang tricycle sa Barangay Nalinan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Lunes.

Agad na nasawi ang ama na nagmamaneho, habang dead on arrival sa ospital ang ginang at kanilang anak.

Nakatakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Ayon sa pulisya, residente ng Cotabato City ang pamilya.

Patuloy ang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa krimen. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here