Home METRO Comelec: Dagdag P3-B kailangan kung itutuloy BSKE sa Disyembre

Comelec: Dagdag P3-B kailangan kung itutuloy BSKE sa Disyembre

295
0

MANILA, Philippines – Kailangan ng Commission on Elections (Comelec) ng karagdagang halos P3 bilyon kapag isinagawa ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre ngayong taon, kung ipapawalang-bisa ng Korte Suprema ang pagpapaliban nito sa 2026.

Inihayag ito ni Comelec Chairman George Garcia sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations para sa proposed P11.5 bilyong budget ng komisyon para sa 2026, matapos siyang tanungin kung nananatiling handa ang Comelec na magsagawa ng BSKE ngayong taon kung ideklara ng SC na labag sa batas ang pagpapaliban.

Ipinag-utos ng Korte Suprema ang pagsasama-sama ng mga petisyon kaugnay ng pagpapaliban ng BSKE.

Nanindigan si Garcia na may nakalaan lamang na P10 bilyong pondo ang Comelec para sa pagsasagawa ng BSKE, na huling idinaos noong Oktubre 2023.

Ayon kay Garcia, aabot sa P9 bilyon ang budget deficit para sa pagsasagawa ng halalan kapag itinuloy ito sa Nobyembre 2026, alinsunod sa batas na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kasalukuyan ring kinukuwestyon sa Korte Suprema (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here