Home NATIONWIDE Ombudsman ‘di magagamit na political weapon – SOJ Remulla

Ombudsman ‘di magagamit na political weapon – SOJ Remulla

204
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Hindi magagamit ang Office of the Ombudsman bilang political weapon.

Ito ang pagtitiyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sakaling siya ang mapili bilang susunod na Ombudsman.

Binigyang-diin ni Remulla sa isinagawang Judicial and Bar Council (JBC) interview para sa nasabing posisyon na mananatiling ligtas ang tanggapan mula sa anumang tangka ng political harassment.

Aniya, hindi ito gagamitin laban sa mga kalaban sa pulitika sapagkat magiging patas umano siya sa lahat.

SALN Access

Target din ni Remulla na bawiin o baligtarin ang memorandum na nilagdaan ni dating Ombudsman Samuel Martires na naglimita sa akses ng publiko sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno.

“That will happen if I get there,” ani Remulla sa mga mamamahayag.

Gayunman, sinabi niya na ang sinumang hihingi ng kopya ng SALN ay dapat magsumite ng sulat na nagsasaad ng kanilang layunin.

Ayon kay Remulla, hindi dapat gamitin ang SALN para sa paninira o blackmail.

Kailangan din umanong mag-ingat sa paghawak ng naturang impormasyon dahil maaaring malagay sa panganib ang buhay ng mga tao kung basta-basta isisiwalat ang nilalaman ng SALN.

“But, if it’s an investigative report, if it’s something that’s being done by government agencies, it can be done. We can provide the SALN, but with proper safeguards because we also have to protect the people,” dagdag ni Remulla. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here