Home NATIONWIDE 31 contractors, nag-donate sa 2022 poll bets – Comelec

31 contractors, nag-donate sa 2022 poll bets – Comelec

211
0

MANILA, Philippines – Halos 31 posibleng contractors ang nag-donate sa mga kandidato noong 2022 elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec) budget hearing sa House Committee on Appropriations noong Lunes, Setyembre 1.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na nakita ang mga naturang contractors sa mga kumandidato sa lahat ng national position at nagpapatuloy pa ang kanilang pagsisiyasat.

Ayon kay Garcia, pinili nilang tingnan muna ang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga kandidato na tumakbo noong 2022 elections.

Idinagdag pa ng chairman na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para matukoy kung ang mga contractors ay may kontrata sa gobyerno bago ang paghahain ng kanilang certificate of candidacy (COC).

Hindi naman ibinunyag ni Garcia ang kanilang hawak na rekord o listahan, ngunit ito ay kanilang isusumite para maberipika ng DPWH kung ang nasabing 31 contractors ay may existing contracts sa panahon ng paghahain ng kandidatura ng mga kandidato.

Aminado si Garcia na isang hamon ang tukuyin ang mga indibidwal na opisyal ng mga kumpanyang nag-donate ng campaign funds sa mga kandidato. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here