Home ENTERTAINMENT Pearl Gonzales, ginagaya sina Eula at Dina!

Pearl Gonzales, ginagaya sina Eula at Dina!

395
0

Manila, Philippines – Kaliwa’t kanan ang mga proyektong pinagkakaabalahan ngayon ni Pearl Gonzales.

Inusisa namin ang beauty queen-actress tungkol sa mga proyekto niyang natapos at nakatakdang simulan.

Kuwento niya: *“Puro microdrama series po ang natapos ko. Last po ‘yung I See You kasama ko sina Dimples Romana, Joem Bascon, Cedrick Juan, and Zion Cruz. Kontrabida po ang role ko roon.

“Plus, kakatapos lang namin i-shoot ‘yung Boys Love Triangle series na isa rin ako sa bida and as kontrabida again, sa Cignalplay app po ito, directed by Bobby Bonifacio Jr.

“Then ‘yung movie ko with Rico Blanco na no idea ako kung saan iri-release at bawal pa yata ibigay ‘yung details.”*

Nabanggit din niya ang pelikulang nakatakda niyang gawin na pinagbibidahan ni Piolo Pascual.

*“‘Yung movie po is Manila’s Finest, nag-storycon pa lang kami last week. Official entry po ito sa 2025 Metro Manila Film Festival ng MQuest Ventures and Cignal this year. Ang role ko po rito… I am not sure if puwede na itong ilabas sa media…

“Tampok dito sina Piolo Pascual, Rica Peralejo, Enrique Gil, Jasmine Curtis-Smith, Ariel Rivera, Joey Marquez, Cedrick Juan, Inday Fatima, and many more. Action po itong movie,”* pahayag pa ni Pearl, na ang showbiz career ay nasa pangangalaga nina Tyronne Escalante at Jeffrey Remigio.

Ano naman ang reaksyon niya sa bansag na Bida-Kontrabida Queen ng TV5?

“Actually, nagulat ako nang nadinig ko ‘yan noong promo ng I See You, kasi wala akong idea na may gano’n na pala. Hahaha!”

Nabanggit din ni Pearl na nacha-challenge siya sa mga kontrabida role.

Aniya: “Yes po, medyo, pero nasasanay na rin ako. Mas nae-enjoy ko rin po maging kontrabida lalo na kapag nalalaman ko na ‘yung back story at bakit siya naging villain. Kapag gano’n, talagang nakaka-excite nang gawin ‘yung kontrabida role.”

Sino naman ang peg niyang kontrabida?

“Ang peg kong kontrabida ay sina Eula Valdez, Dina Bonnevie, and Angelica Panganiban. Kasi kapag gumanap sila, talagang makapigil-hininga and I can say na totoong tao sila on and off cam, by their auras,” sambit pa ni Pearl.

(Nonie Nicasio)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here