Kung ito ay isang pangkalahatang katotohanan, kasama rin dito ang pag-asang may pagkakataong muling mabubuo ang mga nabasag na pagkakaibigan.
Hanggang ngayon, ito pa rin ang panalangin at paniniwala ni Pasig City Councilor at aktres na si Angelu de Leon na someday ay magkaayos din sila ni Claudine Barretto.
Hindi pa kasi sila nagkikita at nagkakabati.
Matatandaan na sa wedding anniversary celebration nina Gladys Reyes at Christopher Roxas, nakapagbitiw si Claudine ng mga katagang kanyang pinagsisihan kalaunan.
Nang tanungin ni Gladys, sinabi ni Claudine na gusto niyang makatrabaho si Judy Ann Santos kung sakaling magkaroon sila ng reunion project — malinaw na hindi niya nais makasama si Angelu, na um-attend din sa nasabing party pero agad ding umalis.
Napag-alaman na ang dahilan ng matigas na pagtanggi ni Claudine ay ang dating komento ni Angelu nang hingan ito ng reaksyon sa alitan ng mga Barretto sisters. Matatandaang nagkagulo pa sa mismong lamay ng Barretto patriarch, na siyang pinagmulan ng maraming isyu.
Hindi nagustuhan ni Claudine ang naging komento ni Angelu, kaya’t umabot sa matinding tampuhan.
Gayunpaman, nabalitang pinagsisihan daw ni Claudine ang kanyang mga nasabi.
Sa isang kamakailang guesting, inamin ni Angelu na hindi pa sila nagkikita o nagkakausap muli ni Claudine.
Kaya naman, inuurutan na sila ng mga netizens na magbati na, lalo na’t dati naman silang magkaibigan.