Home NATIONWIDE BOC: 8 sa 12 luxury cars ng Discaya walang entry records

BOC: 8 sa 12 luxury cars ng Discaya walang entry records

314
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Bureau of Customs (BOC) nitong Miyerkoles na walong sa 12 luxury cars ng mag-asawang kontraktor na sina Sarah at Pacifico Discaya ay walang rekord ng pagpasok sa bansa.

Binigyan sila ng 10 araw para patunayan na nabayaran ang tamang buwis para sa mga sasakyan, kabilang ang Rolls Royce at Bentley.

Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, kailangang tiyakin na ang resulta ng imbestigasyon ay tatayo sa korte.

Naghahanda rin ang ahensya ng search warrant para sa iba pang sasakyan ng Discaya, habang binawi ng Philippine Contractors Accreditation Board ang lisensya ng siyam na kompanya ni Sarah dahil sa paglabag sa procurement laws.

Una nang sinabi ni Senador Jinggoy Estrada na may tala ang LTO na mahigit 40 luxury vehicles ang pag-aari ng pamilya, higit sa 28 na inamin ni Sarah.

Iginiit naman ng abogado ng Discaya na wala silang itinatago at handang humarap sa mga imbestigasyon ng Kongreso. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here