MANILA, Philippines – Simula Setyembre 15, magsisimula nang ipamahagi ang personalized student Beep cards, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ang mga card ay may kasamang awtomatikong 50% diskwento sa pasahe sa MRT at LRT at maaaring kunin sa mga Beep card printing booth sa lahat ng istasyon gamit ang valid school ID o registration form.
Ang card ay may bisa ng isang taon at maaaring i-renew gamit ang parehong requirements.
Magkakaroon din ng discounted Beep cards para sa PWDs at senior citizens ngayong buwan, na ayon sa DOTr ay hindi na kailangang i-renew kapag nakuha na. Santi Celario