Home METRO P3.4M tobats nasabat sa mga parcel sa Pasay

P3.4M tobats nasabat sa mga parcel sa Pasay

269
0

MANILA, Philippines – Kinumpiska sa isinagawang interdiction operation ng mga operatiba ng NAIA Inter-Agency Drugs Interdiction Task Group (IADITG) ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000 sa DHL Cargo Warehouse Miyerkules ng tanghali, Setyembre 3.

Sa inisyal na report ng IADITG, isinagawa ang interdiction operation ng mga operatiba bandang alas 11:30 ng tanghali sa DHL Cargo Warehouse na matatagpuan sa NAIA Complex, Andrews Avenue, Pasay City kung saan natiktikan ang tangkang pagpapalabas na parcel sa bansa na naglalaman ng 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000.

Ang nabanggit na parcel ay isang “blue book safe’’ na naglalaman ng isang knot-tied transparent plastic bag na binalutan ng duct tape, carbon paper, at aluminm foil.

Kabilang sa mga nilalaman ng parcel ay tatlong assorted na libro, tatlong picture frame, isang follower bouquet, at isang board game.

Ayon sa IADITG, ang natiktikang outbound parcel na may tracking/airwaybill number 99 9368 7082 na idineklarang “Books/Picture Frame” ay ipinadala ng isang Gladys Dizon ng Hsinchu Building C.M. Delos Reyes Ave., Brgy. Manggahan Gen Trias, Cavite 4107, na naka-consign naman para kay Daryl Pete ng 65 Ferndale Road, Mt. Wellington, Ancland 1060 New Zealand.

Dinala ang mga nakumpsikang ilegal na droga sa PDEA Laboratory Service para isailalim sa laboratory examination.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4, Art. Il ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang indibidwal na sangkot sa pagpuslit ng ilegal na droga sa bansa.

Ang NAIA-IADITG ay binubuo ng mga iba’t-ibang ahensya ng PDEA RO NCR; Bureau of Customs – Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC-CAIDTF); PNP Aviation Security Group (AVSEG); Airport Police Department (APD); PNP Drug Enforcement Group (DEG); National Bureau of Investigation (NBI); at ng Bureau of Immigration (BI). (James I. Catapusan/Photos by Jimmy Hao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here