CAVITE, Philippines – Isang 36-anyos na babaeng Person with Disability (PWD) ang walang buhay at walang saplot pang-itaas nang matagpuan ng Matawan sa Brgy. San Roque, Naic, Cavite.
Ayon sa report, huling nakitang buhay ang biktima na si alyas “Charmile” kasama ang kanyang kapatid sa kanto ng Plaza Miranda, ng nasabing lugar bago umano ito nagtungo sa palengke.
Napag alaman mula sa anak ng biktima, bandang alas-8:09 ng umaga, nang madatnan nito na duguan ang mukha ng biktima, may bahid ng dugo sa kanilang dingding, walang pang-itaas na saplot at may sugat sa kaliwang panga ang kanyang ina.
Inakala pa niyang madadatnan niyang gising na ang ina kasama ang nakababatang kapatid subalit tumambad sa kanya ang wala ng buhay, nakahandusay sa sahig ng kanilang kuwarto.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen at nakikipag-ugnayan na rin ang mga awtoridad sa mga kaanak ng biktima para sa agarang ikalulutas ng kaso at para na rin sa pagkakakilanlan ng suspek na magpa-hanggang ngayon ay nakalalaya. MARGIE BAUTISTA