MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at pagkidlat-pagkulog ang habagat sa Luzon at kanlurang Visayas ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.
Inaasahang makararanas ng pagbaha o pagguho ng lupa ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon dahil sa katamtaman hanggang malakas na ulan.
Sa Kanlurang Visayas, asahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may paminsang pag-ulan, at posibleng pagbaha kapag malakas ang bagyo.
Ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na panahon na may localized thunderstorms.
Inaasahan din ang mahihinang hanggang katamtamang hangin at banayad hanggang katamtamang alon sa iba’t ibang rehiyon. RNT