Home NATIONWIDE Alamin: Mga kalsadang binaha sa Metro Manila sa habagat

Alamin: Mga kalsadang binaha sa Metro Manila sa habagat

245
0

MANILA, Philippines – Nagdulot ng pagbaha ang malakas na ulan mula sa habagat sa ilang bahagi ng Metro Manila nitong Biyernes ng umaga, ayon sa MMDA.

Sa Maynila, bandang 5:29 ng umaga ay binaha ang Quirino Station sa Vito Cruz Street ng gutter deep (eight inches) pero pwedeng daanan ng lahat ng sasakyan; Quirino Station northbound – gutter deep (eight inches), na pwede pa ring madaanan ng lahat ng sasakyan; Pedro Gil Street – gutter deep (eight inches), na passable rin sa lahat ng sasakyan; at Quirino Station to Taft Avenue – gutter deep (eight inches) ,na madaraanan din ng lahat ng sasakyan.

Bumaba na ang tubig bandang 7:20 a.m ayon sa MMDA.

Sa Mandaluyong, binaha rin ang northbound lane ng EDSA-Shaw tunnel, na umabot sa gutter-deep bago bumaba sa kalahating gutter-deep.

Ayon sa PAGASA, magpapatuloy ang maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan sa Luzon at Kanlurang Visayas, na may bantang flash flood at landslide.

Dahil dito, sinuspinde ang klase sa iba’t ibang lugar. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here