Home HOME BANNER STORY #WalangPasok, Biyernes, Set. 5, 2025 sa sama ng panahon

#WalangPasok, Biyernes, Set. 5, 2025 sa sama ng panahon

264
0

MANILA, Philippines – Ipinatupad ng ilang lokal na pamahalaan ang kanselasyon ng klase ngayong Biyernes, Setyembre 5, dahil sa malakas na ulan mula sa habagat.

Sa Metro Manila, walang pasok sa lahat ng antas sa Caloocan, Las Piñas, Malabon, Marikina, San Juan, at Pasig (Kindergarten hanggang Senior High School).

Kanselado rin ang lahat ng face-to-face classes sa Parañaque, Pateros, at Valenzuela para sa pampubliko at pribadong paaralan.

Sa mga rehiyon, sinuspinde ang klase sa Bocaue, Plaridel, at Sta. Maria sa Bulacan; sa Cainta, Rizal; at Santiago, Isabela.

Sa Baguio City, preschool hanggang Grade 6 ang walang pasok.

Kanselado rin ang lahat ng face-to-face classes sa Bamban, Tarlac, habang sa Meycauayan, Bulacan, lumipat sa alternative learning mode ang mga estudyante mula Kinder hanggang Grade 12. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here