Home HOME BANNER STORY Sirit-presyo sa produktong petrolyo, nakaumang

Sirit-presyo sa produktong petrolyo, nakaumang

225
0

MANILA, Philippines – Dapat maghanda ang mga motorista sa panibagong pagtaas ng presyo ng langis sa susunod na linggo, na magiging ika-apat na direchong sirit-presyo sa gasolina at ikatlo naman para sa diesel at kerosene.

Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, batay sa international trading nitong nakalipas na apat na araw, posibleng tumaas ng humigit-kumulang ₱1.00 kada litro ang gasolina, ₱1.40 ang diesel, at ₱0.80 ang kerosene.

Dagdag pa ni Romero, naapektuhan ang pandaigdigang merkado ng langis ng bagong parusa ng US laban sa kita ng Iran mula sa langis, pagtigil ng Saudi Aramco at Iraq sa pag-export sa isang refinery sa India na nasa ilalim ng EU sanctions, at patuloy na airstrikes sa Russia at Ukraine.

Iaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang opisyal na taas-presyo sa Lunes na ipatutupad kinabukasan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here