Home HOME BANNER STORY Tulfo nagbanta sa DOLE: Budget delikado ‘pag ‘di sisibakin pabayang field inspector

Tulfo nagbanta sa DOLE: Budget delikado ‘pag ‘di sisibakin pabayang field inspector

312
0

MANILA, Philippines – Nagbanta si Senator Raffy Tulfo na ipadefer ang 2026 budget ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung hindi nito sisibakin ang mga pabaya umanong field inspector.

“I promise you, Sec. (Bienvenido) Laguesma, idi-defer ko ang budget niyo kapag walang nasibak na pabayang field inspector,” pahayag ni Tulfo sa pagdinig ng Senate labor committee.

Ayon sa senador, may ilang pabrika sa Metro Manila na kanyang personal na na-inspeksyon na nagbibigay lamang ng sahod na ₱280 kada araw.

“Taas nga tayo ng sahod, pero kulang naman sa implementation. Para tayong naglolokohan dito,” dagdag niya.

Humiling din siya ng listahan ng mga inspector sa Metro Manila at Camanava, kasama ang mga kumpanyang binisita at kanilang performance reports.

“Kung ginagawa ng taga-DOLE ang trabaho nila, nasapul na sana nila ang mga kumpanyang hindi nagpapasahod ng tama,” giit ni Tulfo.

Tumugon naman si Secretary Laguesma na seryoso niyang tinatanggap ang hinaing ni Tulfo at nangakong aaksyunan ito. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here