Home NATIONWIDE Kim, Putin, Xi nagsama-sama sa military parade sa Beijing

Kim, Putin, Xi nagsama-sama sa military parade sa Beijing

238
0

MANILA, Philippines – Magkakasamang lumahok sa parada militar sa Beijing noong Miyerkoles sina North Korean leader Kim Jong-un, Russian President Vladimir Putin, at Chinese President Xi Jinping—ang unang pagtitipon ng tatlong lider sa loob ng 66 taon.

Magkakatabi silang naglakad at nag-usap nang magiliw sa Tiananmen Square, bilang pagpapakita ng pagkakaisa laban sa Kanluran.

Ang parada ay bilang paggunit sa ika-80 anibersaryo ng tagumpay ng Tsina laban sa Japan noong World War II.

Huling nagsama ang mga lider ng Pyongyang, Moscow at Beijing sa parehong lugar noong 1959, sa pangunguna nina Kim Il-sung, Mao Zedong at Nikita Khrushchev.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Xi na ang muling pagbangon ng Tsina ay “unstoppable” at nasa harap muli ng sangkatauhan ang pagpili sa pagitan ng digmaan o kapayapaan. Iginiit niyang susundin ng Tsina ang landas ng mapayapang pag-unlad habang ipinapakita ang lakas militar nito. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here