Home TOP STORIES Mga lider sa Dagupan City, pinulong, pinasalamatan ni Poe

Mga lider sa Dagupan City, pinulong, pinasalamatan ni Poe

252
0

MANILA, Philippines – Sa pagtitipon ng daan-daang lider ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, muling bumalik si Congressman Brian Poe sa Dagupan upang magpaabot ng taos-pusong pasasalamat.

“Maraming Salamat! Dahil sa inyo nanalo po tayo. Itutupad ko ang aking pangako. Araw-araw pumapasok ako sa Kongreso para mag-hanap ng tulong para sa mga kababayan natin dito sa Pangasinan. Natupad ko na ang pangako ko—bumalik na ako sa probinsya natin, at naghahatid ako ng tulong sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan,” pahayag ni Poe.

Mainit ang naging pagtanggap ng mga lider at mamamayan kay Congressman Poe, na itinuring nilang kanilang tunay na kinatawan sa Kongreso.

Ipinahayag din ng mga pinuno ang kanilang mga hinaing at suhestiyon na dadalhin ng mambabatas sa mga darating na pagdinig ng mga komite sa Kamara.

Patuloy na kinikilala ang FPJ Panday Bayanihan Partylist bilang partido ng mga taga-Pangasinan, at si Brian Poe bilang ipinagmamalaking anak ng San Carlos. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here