Home SPORTS Posibleng hosting ng U10 World Cup ibinahagi ng PRBA

Posibleng hosting ng U10 World Cup ibinahagi ng PRBA

4
0

MANILA, Philippines – Ibinahagi ng mga opisyales ng Philippine Roll Ball Association sa lingguhang Tabloid Organization in the Philippine Sports, Inc. (TOPS) Usapang Sports Forum ang mga dapat abangan na mga kaganapan hinggil sa pagsulong ng roll ball sa bansa.

Kasama na rito ay ang pagdaragdag ng mga member clubs mula sa iba’t ibang probinsya upang mapalakas ang grassroots program sa bansa.

“We added several roll ball clubs in Lingayen, Anda and Binmaley, Pangasinan, Coron, Culion and Salvacion, Palawan, Bicol, Cainta and San Luis, Pampanga. And just recently, na-reactivate ulit ang Pampanga. And we are also considering Iloilo in the future.”, sinabi ni Antonio “Tony” Ortega, PRBA President.

Kasunod ng kanilang paglahok sa World Cup nitong nakarang Disyembre 2025, pansamantala muna magpapahinga sa paglahok ang Philippine Roll Ball Team sa mga international competitions upang pagtuunan ng atensyon ang pag-reset at pag-regroup para sa 2027 season.

Kasama rin sa naging aktibidad na inilunsad ngayong taon ang Luzon Friendship Cup na ginanap nitong Hunyo 27 sa Silvina Court sa Quezon City na nilahukan ng apat na roll ball clubs mula Luzon.

“We applied the principle the one step backward, two step forward, so we are preparing for 2027-2028 season. Naglunsad kami ng unang Luzon Friendship Cup na nilahukan ng iba’t ibang roll ball clubs. Nagpapsalamat po kami sa tulong ng PSC at Senators at Congressmen na sumuporta sa atin.”, ani Ortega sa forum na suportado ng Philippine Sports Commission, Pocari Sweat at Behrouz Persian Cuisine.

Samantala, ikinatuwa ni Ortega ang pagkakapasa ng iba’t ibang roll ball coaches sa nagdaang International Roll Ball Federation Referees Exam kung saan pitong miyembro ang nabigyan ng dalawang Grade of Distinction, apat na Grade A at isang Grade B.

“Mapalad po kami na pumasa sa IRBF Referees Certification. Out of 8 participants who take the exam from the Philippines, pito po ang nakapasa at dalawa po with distinction kasama na si Secretary General na si Julius Sison at Dexter Sas. Part ng pagpapalawig ng PRBA ang pagkakaroon ng international certified coaches and referees with the coordination from the IRBF at nanawagan kami sa PE Teachers to take the exam pero dadaan muna sa PRBA assessment and they allow to take it.”, binahagi niya.

Kinokonsidera rin nila ang paghost ng Under 10 World Cup upang mas mapalakas ang grassroots programs.

“Balak po na Pilipinas na maghost in coordination with the PSC na maghost ng Under 10 World Cup para sa mga bata. Ang isyu kasi pag Under 10, kailangan ng parental consent. Walang problema pag sa Pinas na maghost pero sa international, may iniiral na batas at pagaaralan namin yan.”, huling sambit niya.

Pormal rin tinanggap ng veteran sports official na si Red Dumuk ang pagiging Sports Consultant ng PRBA na tutulong sa operasyon ng roll ball entity.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here