MANILA, Philippines – Bantay-sarado ng mga awtoridad ang mga nasamsam na luxury vehicles ng pamilya Discaya sa Pasig City mula sa mga raliyista.
Nakabantay sa compound ng mga Discaya 24/7 ang mga tauhan mula sa Bureau of Customs at Philippine Coast Guard (PCG).
Sinamsam ng BOC ang 12 luxury vehicle na sakop ng search warrant para sa imbestigasyon sa mga umano’y iregularidad sa kanilang importation at taxes.
Iniharang ang dalawang minibus para protektahan ang mga luxury cars mula sa mga nagkikilos-protesta na nagtatangkang batuhin ang mga mamahaling sasakyan.
Ayon sa BOC, patuloy na babantayan ng kagawaran ang mga sasakyang ito na nasa ilalim ng constructive possession ng mga ito, bagamat itinatago lamang muna sa loob ng ari-arian ng mga Discaya.
Nitong Biyernes, Setyembre 5 ay muling nagbalik ang mas marami pang raliyista sa harap ng opisina ng mga Discaya sa Pasig City. RNT/JGC