Home ENTERTAINMENT Pamumulot ng basura ni Rhian, binarag!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Pamumulot ng basura ni Rhian, binarag!September 5, 2025 19:352410 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Pinahanga ni Rhian Ramos ang mga residente ng Quezon City nang mag-volunteer sa isinagawang clean-up drive.Partikular na kasama ang Kapuso actress sa paglilimas ng mga basura dulot ng mga nagdaang bagyo.Kasama niya ang nobyong si Sam Versoza na nakipag-coordinate sa lokal na pamahalaan at sa MMDA.Makikita nga na bitbit ni Rhian ang mga nakolektang basura.Supposedly kasi ay magwo-work out siya.Pero mas pinili ngang mamasura ng aktres, bagay na hinangaan ng mga netizens and the QC residents alike.Feeling ng mga ito, sinasanay na raw ni Rhian ang kanyang sarili dahil with Sam in public service ay marami ang puwedeng maiambag niya.Sa isang banda, marami rin ang pumuna sa video ni Rhian joining the clean-up drive.Kesyo napaka-insincere daw niyo na kailangan pang kunan ng video at i-upload pa!Wala raw kasi inilayo ‘yon sa ibang mga pulitiko na nagkakawangga nga, pero todo-todo ang publisidad. Ronnie Carrasco III