Home NATIONWIDE Tropical Depression Lannie lumabas na ng PAR

Tropical Depression Lannie lumabas na ng PAR

292
0

MANILA, Philippines – Ayon sa PAGASA, lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Tropical Depression Lannie ngayong Sabado ng Umaga.

“As of 8 a.m. ay nakalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility,” saad ng PAGASA.

“Patuloy itong lalayo sa ating kalupaan,” dagdag nito.

Huling namataan si Lannie 300 km kanluran ng Ilocos Sur.

Wala itong direktang epekto sa bansa, ngunit magdadala parin ng ulan dahil sa trough nito.

“‘Yung trough nito o outer portion o buntot niya, aasahan pa ring magdudulot ng pag-ulan sa may Ilocos Region, Cordillera Region and Cagayan Valley,” saad ng PAGASA.

Samantala, ang habagat ay magpapatuloy sa pagpapa-ulan sa nalalabing bahagi ng Luzon.

“So asahan pa rin po ang makulimlim na panahon. May possible na kalat-kalat na pag-ulan ang mga thunderstorms over Metro Manila, Central Luzon, and Calabarzon,” ayon sa PAGASA.

“Ang natitirang bahagi ng bansa, partly cloudy to cloudy skies at may tsansa ng pulo-pulong pag-ulan or pagkidlat at pagkulog,” dagdag nito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here