Home NATIONWIDE ICC tumatanggap pa ng mga ‘biktima’ ni Duterte

ICC tumatanggap pa ng mga ‘biktima’ ni Duterte

261
0

THE HAGUE, Netherlands – Ang rehistro ng International Criminal Court (ICC) ay nag-transmit sa Pre-Trial Chamber I ng korte ng higit pang mga aplikasyon mula sa mga partido na interesadong marehistro bilang mga biktima sa kasong crimes against humanity ni Rodrigo Duterte.

Ang ICC ay mayroon na ngayong kabuuang 322 na tinatawag na victim applications sa kasong isinampa laban sa dating pangulo kaugnay ng kanyang drug war.

Ngunit sa mga aplikasyong ito, 18 sa mga aplikante ang nagpahayag ng kanilang nais na humingi lamang ng reparasyon.

Ayon sa isang dokumento noong Agosto 27 na pinamagatang “Registry Report on Group A and B Applications for Victim Participation in Pre-Trial Proceedings,” ang 18 application ay nairehistro sa database ng ICC’s Victims Participation and Reparations Section (VPRS) at hindi isinasaalang-alang sa kasalukuyang yugto ng mga paglilitis.

Sa natitirang 304 na aplikasyon, 35 sa kanila ang naisumite sa Pre-Trial Chamber I sa ilalim ng tatlong grupo—ang 25 na aplikasyon na binubuo ng 15 sa ilalim ng Group A at 10 sa ilalim ng Group B at ang 10 na aplikasyon sa ilalim ng Group C na isinumite noong Agosto 20.

Kasama rin sa “victims” sa kaso ni Duterte ang mga “indirectly” na naapektuhan ng kanyang drug war o mga kapamilya o kamag-anak na dumanas ng “psychological harm” dahil dito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here