Home ENTERTAINMENT Willie, tablado sa TV5, pinahakot na ang gamit!

Willie, tablado sa TV5, pinahakot na ang gamit!

302
0

Manila, Philippines- Malabo na nga kayang makabalik si Willie Revillame sa TV5?

Ito ang tanong na hinahanapan ng sagot makaraang iulat ng Showbiz Now Na ang tungkol sa “botched deal” sa pagitan ng TV host at ng TV5 management.

Ayon kay Cristy Fermin, ang gusto sanang mangyari ni Willie ay TV5 ang magprodyus ng kanyang magbabalik na show.

Matatandaang his program Will To Win went off air to give way to his senatorial bid.

Ngunit giit ng pamunuan ng network, mag-blocktimer na lang si Willie.

Ibig sabihin, bumili na lang siya ng airtime at siya na mismo ang magprodyus nito.

Sa pamamagitan nga naman ng ganoong arrangement ay malaya si Willie na gawin ang anumang gusto content-wise sa kanyang programa.

The idea, however, did not sit well with Willie–dahilan para raw sumama ang loob nito.

Sa bad trip ni Willie ay ipinahakot daw niyang lahat ang mga nakaimbak niyang TV equipment sa ipinagagawang studio sana ng kanyang returning show, at inilipat sa Will Tower.

Matatandaang nagsilbing studio ng kanyang show ang penthouse ng naturang gusali noong panahon ng pandemya.

Bagama’t naitawid naman ang show ay iba pa rin kung may live audience–bagay na wala when his program aired at Will Tower.

Ang tanong–saan na pupulutin si Willie na nabalitang ieere ang kanyang show pagkatapos ng Eat Bulaga?

Waley na? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here