Home METRO Kelot tinarakan ng kasamahan, tigok!

Kelot tinarakan ng kasamahan, tigok!

302
0

CAVITE, Philippines – Isang 43-anyos na obrero ang namatay makaraang pagtulungan pagsasaksakin nang mga kasamahan sa kalagitnaan ng kanilang masayang inuman sa Silang, Cavite.

Naisugod pa sa Estrella Hospital ang biktimang si alyas Orencio, binata, residente ng Brgy. Santos ng nasabing lugarĀ  subalit hindi na ito umabot ng buhay dahil sa tinanong sugat sa katawan.

Kaagad namang naaresto ang suspek at may-ari ng bahay na pinag-inuman na si alyas Nolly, 26, isang construction worker habang nakatakas ang isa pa nilang kabaro na si alyas Joey, 40 na kapitbahay umano ng biktima.

Ayon sa reportĀ  bandang alas-12:48 kahapon ng madaling araw nang nagkayayaang mag-inuman ang biktima at mga kasamahan sa trabaho sa bahay ng suspek na si alyas Nolly subalit sa kalagitnaan ng kanilang inuman ay nagkaroon ito ng mainitang diskusyon o pagtatalo na nauwi sa hindi pagkainitindahan na humantong sa away.

Dito na pinagtulungan ng mga suspek ang biktima hanggang sa pagsasaksakin ni alyas Joey.

Rumesponde ang mga barangay tanod sa lugar na nagresulta sa pagkakaareesto ni alyas Nolly subalit nakatakas si alyas Joey bitbit ang patalim na ginamit sa pagpatay habang isiinugod sa opsital ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Nagsasagawa ng follow up operation ang pulisya para sa agarang ikadarakip ng tumakas na suspek. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here