Home ENTERTAINMENT Sam, pinag-iinitan sa 30+ luxury cars!

Sam, pinag-iinitan sa 30+ luxury cars!

289
0

Manila, Philippines- Kumakalat ngayon sa Facebook ang 15-minute video ng panayam ni Julius Babao sa nobyo ni Rhian Ramos na si Sam Verzosa.

The vlog interview made the rounds of social media sometime in March 2025, two months before the mid-term elections.

Matatandaang tumakbong mayor sa lungsod ng Maynila si SV ngunit hindi pinalad.

Ipinalabas sa interbyu na ‘yon ang mga luxury cars na pag-aari ni Sam.

Halos puti ang lahat ng ‘yon all parked at the car port of Sam’s mansion.

Tinanong ni Julius ang bilang ng mga luxury cars na ‘yon.

“Lampas 30 po,” kaswal na sagot ni Sam.

All eyes are now on Sam na bale pinag-iinitan dahil sa dami din ng mga sasakyan.

Bale ba, si Julius din ang nag-interbyu sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya–dahilan para imbestigahan ang mga bilyun-bilyong transakyong pinasok nila with regard to flood control.

Ang spliced video na ‘yon ni Sam ay umani ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens.

Hinihiling ng mga ito na silipin din ng mga kinauukulan ang katayuan ni Sam.

Maririnig kaya nating pumiyok si Rhian bilang pagtatanggol sa nobyo? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here