PASIG, Philippines – Patay ang isang apat na taong gulang na bata sa sunog na tumupok sa isang residential area sa Pasig City nitong Sabado ng madaling araw, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa ulat ng BFP, unang namataan ang sunog dakong alas-2:14 ng madaling araw sa Pupha Compound sa Barangay Pinagbuhatan.
Umabot ito sa unang alarma alas-2:22 ng madaling-araw ngunit nakontrol ng alas-2:42 ng umaga at naapula alas-2:46 ng umaga.
Ang sunog ay kumitil sa buhay ng bata habang isang 47-anyos na babae ang nagtamo ng second-degree burn sa magkabilang braso, dagdag ng BFP. Hindi agad malinaw kung paano sila nauugnay.
Ang fire bureau ay hindi pa naglalabas ng mga detalye sa lawak ng pinsala ng sunog o pinagmulan nito. RNT/MND