Home ENTERTAINMENT Michael V, pinagtripan sa flood control projects!

Michael V, pinagtripan sa flood control projects!

323
0

Manila, Philippines- Talk of the town ang Kapuso comedian na si Michael V dahil sa naging inisyal na imbestigasyon ng Senado hinggil sa maanomalyang flood control projects kamakailan.

Sumalang sa Senate Blue Ribbon Committee ang kontrobersyal na contractor at natalong Pasig City mayoralty candidate na si Sarah Discaya na naging katunggali ng incumbent mayor na si Vico Sotto.

Sa imbestigasyon ng Mataas na Kapulungan, ginisa ng nasabing committee ang contractor at businesswoman tungkol sa kanyang mga transaksyon sa DPWH.

Habang nanonood naman ang sambayanan ay napansin nila ang malaking pagkakahawig ni Sarah sa magaling na komedyanteng si Michael V.

Kaya naman nadawit ang aktor sa isyu na kinasasangkutan ng kontraktor.

Pinagtripan din siya at ginawan ng iba’t-ibang meme.

Ito ang ilan sa mga reaksyon ng kibitzers.

“Walang hiya ka! Paborito pa naman kita. Nagpapatawa ka pa kunwari. Yun pala, ninanakaw mo ang pera para sa flood control para lang makabili ka ng mamahaling kotse. I hate you Michael V.!!! I HATE YOU!!! DAPAT KANG MAKULONG!!!”

“Hindi mo kami maloloko, MICHAEL V! Nagpasalon ka pa. Isauli mo daw ang mga payong na inuwi mo! LOL!”

“Michael V, siya pala ang nawawala mong kapatid.”

“Bitoy, magpaliwanag ka. Huwag mo kaming lokohin.”

“Kaya pala di naging mayor, kasi magiging artista pala. Nice nice!”

“Kamukha niya legit hahaha.”

“Hahaha ayan na nga kw tlga to e niloko kmi knina sbi Discaya hahha.”

“Sorry pero nakikita ko talaga si Michael V. kay Sarah Discaya. HAHAHAHAHA!”

May na-excite rin na bet nilang gawan ang comedian ng parody ng controversial na contractor sa kanyang show.

“Excited ako sa next parody ni Michael V!!!! Hahahahaha.”

“Dapat may bitbit ding payong haha.”

Sa ngayon, wala pang reaksyon si Michael V. sa pagkakadawit sa kanya sa isyu ni Discaya. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here