Home ENTERTAINMENT Kim, inuurutang magpakasal na!

Kim, inuurutang magpakasal na!

318
0

Manila, Philippines- Sa kanyang X social media account, ni-repost ni Kim Chiu ang balita hinggil sa engagement ng American pop idol na si Taylor Swift sa American football player na si Travis Kelce.

May caption ang news na : “Your English teacher and your gym teacher are getting married.”

Yes, isang Swiftie ang chinita actress kaya naman nagagalak siya na natagpuan na ng kanyang idol ang kanyang Prince Charming for life.

Sa kanyang post, hindi rin niya napigilang magpalatak sa tuwa dahil sa bagong chapter na ito sa buhay ng kanyang idolong singer.

Sey ni Kim: “OMG!!!! I love you ate @taylorswift13  deserve!!!!!!!”

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa kafaneyan ang kanyang reaksyon.

Hirit pa ng kibitzers, ang “It’s Showtime” host na raw ang susunod na mae-engage.

May mga fan pang inudyukan si Paulo Avelino na mag-propose na rin kay Kim.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Nahanap na niya ang icing sa ibabaw ng cupcake niya.”

“Next ka na Kimmy.”

“Deserve mo din yan soon, hahaha labyu.”

“Ikaw na next.”

“Manifesting the same for you kimmy!”

“Nakuu Kim. Kami yung pinakamasaya pag kinasal na kau este pag kinasal kana…we love you both.”

“Sign na yan girl, Ikaw na daw next!!!”

“Pau, ano pang hinihintay mo?”

“Kayo na din ang susunod nyan hehehe.”

“Sana kayo naman ni Pau soon.”

“Congratulations Kim and Pau..in advance.”

“Kimmy please nxt na kayo ni Pau.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here