Home METRO 26-anyos na paulit-ulit humalay sa menor de edad, huli

26-anyos na paulit-ulit humalay sa menor de edad, huli

281
0

MANILA, Philippines – Huli ang 26-anyos na lalaking inakusahan ng panghahalay sa menor-de-edad na biktima nang matunton Ang pinagtataguan nito sa Caloocan City, nitong Biyernes, Setyembre 5.

Mismong si Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Jerry Protacio ang nag-utos ng malawakang pagtugis kay alyas “Mario” na nasa Top 3 Most Wanted Person ng National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos takasan ang ginawang pagmomolestiya ng ilang ulit sa batang babaeng biktima.

Sa tulong ng impormante ni Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth, natunton ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ang kinaroroonan ni alyas Mario sa Swimming Pool St. Maligaya, Brgy. 177 na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Inilabas nito lang Hulyo 29, 2025 ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Acting Presiding Judge Ma. Teresa E, De Guzman-Alvarez ng Branh 131 ang warrant of arrest laban sa akusado para sa mga kasong Attempted Sexual Assault, Acts of Lasciviousness in relation to R.A 7610 o Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination, at Qualified Rape of a Minor.

Walang piyansang inirekomenda ang hukuman para sa kasong qualified rape of minor habang P120,000 naman ang inilaan sa kasong sexual assault at P108,000 sa kasong acts of lasciviousness. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here