Home METRO Kontrata ng MAC Builders sa Zambo port, tinerminate ng PPA

Kontrata ng MAC Builders sa Zambo port, tinerminate ng PPA

220
0

Pormal nang tinapos ng Philippine Ports Authority (PPA) nitong Lunes ang kontrata nito sa MAC Builders, Inc. para sa pagtatayo ng Zamboanga Port Passenger Terminal Building (PTB) dahil sa matagal na pagkaantala.

Sa isang pahayag, sinabi ni PPA Assistant General Manager for Engineering (AGME) James Gantalao na ang contractor ay paulit-ulit na binigyan ng mga pormal na abiso at babala bago tuluyang tinapos ang kontrata dahil sa mga pagkaantala, disalignment ng disenyo sa kasalukuyang mga pangangailangan, at pagkabigo sa kabila ng paulit-ulit na pagpapalawig ng oras na ibinigay.

Ayon kay Gantalao, ilan pang kadahilanan ang masamang panahon, mga hamong partikular sa lokasyon, at nagbabagong konsiderasyon sa disenyo, lalo na sa Zamboanga na nagsisilbing isa sa pinaka-abala at strategic gateways sa Mindanao.

Ang Zamboanga Port ay isang pangunahing hub para sa passenger at cargo traffic, na nagsisilbi sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi gayundin sa mga kalapit na bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here