MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Navotas Rep. Toby Tiangco nitong Martes na may mga talakayan tungkol sa pagsasa-ayos ng pamumuno sa House of Representatives.
Sinabi ni Tiangco na nagsimula ang usapan ito noong nakaraang linggo, kung saan ilan sa kanyang mga kasamahan ay nagtatanong kung mayroon silang sapat na bilang.
“Even last week they always ask me ano ba ang mangyayari sa atin dito, sirang-sira na papel natin, sirang-sira na pangalan ng Kongreso,” sabi ni Tiangco.
“They’re finding a way na huwag si [Bacolod] Rep. Albee [Benitez] ang ilagay at ang ilagay is someone na parang I heard Martin will give way to someone na he’s comfortable with,” aniya.
Ang posibleng pagbabago sa pamumuno sa Kamara ay matapos akusahan ng mga kontratista na sina Sarah at Curlee ang ilang mambabatas, kabilang sina House Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, ng pagtanggap ng mga kickback mula sa mga proyektong pang-imprastraktura.
Mariing itinanggi ni Romualdez at ng kanyang mga kasamahan ang mga akusasyon, na may ilan na nagsasabing idedemanda nila ang mag-asawang Discaya.
Tinanong si Tiangco kung may napipintong pagbabago sa pamumuno matapos palitan ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III si Sen. Chiz Escudero bilang Senate President noong Lunes.
Sinabi ni Tiangco na susuportahan niya si Benitez para sa House Speakership.
“I don’t know if hindi pwedeng si Albee, ako kay Albee ako, that’s why I’m this vocal,” saad ni Tiangco.
Sinabi niya na ang leadership shakeup ay dapat na isang “total overhaul” at hindi ito maaaring isang “cosmetic change just to make it appear that we changed one person.”
“Ang point ko lang, hindi pwedeng Speaker lang papalitan. That’s why I cannot be Speaker because even if I didn’t go into this controversy, we need an overhaul of the leadership of the House,” aniya.
“All those leadership positions were given because they were close to the Speaker, correct?” dagdag niya. RNT/MND