Home ENTERTAINMENT Panty ni Beauty, nalaglag!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Panty ni Beauty, nalaglag!September 9, 2025 17:372660 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Mayabang pa mandin si Beauty Gonzales one morning na buong ningning na dumayb sa swimming pool.Kasama niyang nagsu-swimming ang kanyang anak na si Olivia.Eh, paanong hindi mayabang?Suot-suot kasi ng Kapuso actress ang kanyang two-piece floral bikini na red and black na pagkaluma-luma na, pero maganda pa rin daw ang fit.As in Beauty had her bikini 10 years ago pa, ‘di pa ipinanganganak si Olivia.Excited na isinuot ‘yon ni Beauty who hasn’t worn it in a couple of years.Eto na, nasa pool na silang dalawa ng anak nang malaglag lang ito hanggang tuhod niya!“It has lost its elasticity,” kuwento niya ss kanyang Instagram account with matching video pa.Ang siste, lumuwag na raw ang garter nito.Buti na lang daw ay walang ibang tao sa paligid maliban sa asawang si Norman Crisologo who took the video.Ang ending–itinawa na lang daw nilang tatlo ang pangyayari.Charged to experience. Ronnie Carrasco III