MANILA, Philippines – Ininspeksyon ni DPWH Secretary Vince Dizon, kasama si Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor, ang isang flood control project sa Barangay Tagumpay, Naujan ngayong araw.
Layunin ng pagbisita na matiyak ang maayos na pagpapatupad ng proyekto, na inaasahang makakaiwas sa pagbaha at mapoprotektahan ang mga residente, lalo na sa panahon ng tag-ulan.
Sa kanyang pagbisita, natuklasan ni Dizon na ang proyekto ng St.Timothy Construction ay “under spec” at may posibleng irregularidad.
Binigyang-diin naman ni Gov. Dolor na mahalaga ang proyekto para sa kaligtasan at kabuhayan ng mga kababayan kaya dapat ang pagkakagawa ay dekalidad at kung may pagkukulang, dapat itong itama agad.
Tiniyak naman ni Dizon na ipapaalam niya ito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at mananagot ang mga responsable. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)