Home METRO Vintage mortar nahukay sa Maynila

Vintage mortar nahukay sa Maynila

212
0

MANILA, Philippines – Nahukay ng isang subcontractor ng Departmemt of Public Works and Highways (DPWH) ang isang vintage mortar sa isinagawang declogging ng drainage system sa Sampaloc, Manila Lunes ng umaga.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), nadiskubre ng DPWH subcontractor at kanyang mga tauhan ang vintage mortar sa rehabilitasyon ng drainage sa Negros Street corner Visayan Street sa Barangay 565.

Agad naman itong inireport sa pulisya upang maimbestigahan.

Sa pagsisiyasat, sinabi ng MPD na ang vintage bomb ay may isang 60-milimeter mortar (HE) na bilog at kumpleto pa ang pin.

Maingat namang kinuha ng pulisya ang pampasabog na walang anumang nangyaring insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here