Home NATIONWIDE Pormal na hiling ng US para sa extradition ni Quiboloy, malapit na...

Pormal na hiling ng US para sa extradition ni Quiboloy, malapit na – envoy

282
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Inihayag ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez nitong Martes na nakatakdang isumite ang pormal na hiling ng Amerika para sa extradition ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy sa pamamagitan ng isang note verbale.

Konektado ang kahilingan sa 2021 indictment laban kay Quiboloy sa California na may kasong sex trafficking ng menor de edad, pandaraya, at bulk cash smuggling. Ang proseso ay dadaan mula US Department of Justice patungo sa State Department bago ipasa sa DFA.

Ayon kay Romualdez, ang Department of Justice ng Pilipinas ang may huling pasya kung uunahin ang extradition kahit may nakabinbing kaso pa si Quiboloy sa bansa.

Pinapayagan ng 1994 US-Philippines extradition treaty ang pansamantalang pagsuko ng isang taong may kaso o sentensiya sa bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here