Home NATIONWIDE S. Luzon, Visayas, Mindanao uulanin sa habagat

S. Luzon, Visayas, Mindanao uulanin sa habagat

262
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng PAGASA nitong Miyerkules, magdadala ang easterlies ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Bicol Region, Isabela, Aurora, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, at Marinduque.

Makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga panaka-nakang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang Metro Manila, Visayas, Mindanao, Cavite, at nalalabing bahagi ng MIMAROPA. Lokal na thunderstorms ang inaasahan sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Wala namang binabantayang low pressure area sa ngayon, batay sa ulat ng PAGASA. Pinag-iingat ang publiko laban sa posibleng flash floods o landslide tuwing may malalakas na thunderstorm. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here