Home NATIONWIDE Magalong wala pang natatanggap na imbitasyon sa independent flood probe team ni...

Magalong wala pang natatanggap na imbitasyon sa independent flood probe team ni PBBM

315
0

MANILA, Philippines – Wala pang natatanggap na imbitasyon si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na lumahok sa independent commission na binubuo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para imbestigahan ang mga umano’y korapsyon sa infrastructure projects, partikular sa flood control.

Ang pahayag ni Magalong kasabay ng Kapihan sa Manila Hotel forum nitong Miyerkules, Setyembre 10 ay kasunod ng tanong kung siya ba ay inimbitahan o tinatanggap ang imbitasyon na lumahok sa independent investigating body.

“Wala pa naman,” ani Magalong.

Sa katunayan, ipinaliwanag ni Magalong na mayroon siyang mga nakikitang isyu sa paglahok sa komisyon dahil nais ng mga ito na huwag magsama ng sinumang politiko.

“It so happens that I’m a politician, so it seems I’m no longer qualified… and I would accept that,” anang alkalde.

Ang independent commission ay bubuoin ng tatlo katao na mismong si Marcos ang magtatalaga. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here