Home HOME BANNER STORY DOJ nag-isyu ng subpoena vs Ang, Barretto at iba pa sa kaso...

DOJ nag-isyu ng subpoena vs Ang, Barretto at iba pa sa kaso ng missing sabungeros

312
0

MANILA, Philippines – Naglabas na ng subpoena ang Department of Justice (DOJ) laban kina bussinessman Atong Ang, at aktres na si Gretchen Barretto at iba pa kaugnay sa reklamo ng missing sabungeros.

Sa ulat, sinimulan ang pagpapadala ng subpoena nitong Martes ng gabi, Setyembre 9 at nagpapatuloy ngayong Miyerkules.

Naglabas din ang DOJ ng subpoena laban kay dating National Capital Region Police Office chief retired Police General Jonnel Estomo at 18 mga pulis.

Ito ay para sa preliminary investigation (PI) sa mga nabanggit na indibidwal para sa serious detencion at multiple murder bukod sa iba pa.

Una nang itinanggi ni Ang, Barretto at Estomo ang alegasyon laban sa kanila.

Sinabi ni Ang na nagbanta si Patidongan na iuugnay siya sa missing sabungeros kapag tumanggi siyang magbayad ng P300 milyon habang sinabi ni Barretto na nakatanggap din siya ng katulad na banta. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here