Home NATIONWIDE Manhunt ikinasa vs mangingisdang rapist na nakatakas sa kulungan sa Negros

Manhunt ikinasa vs mangingisdang rapist na nakatakas sa kulungan sa Negros

298
0

MANILA, Philippines – Ikinasa ang malawakang manhunt laban sa isang 58-anyos na mangingisda na nahaharap sa kasong qualified rape matapos makatakas mula sa piitan ng Enrique B. Magalona (EB) Municipal Police Station sa Negros Occidental.

Kinilala ang pugante na si Eduardo Cia Sadia, alyas “Bebeng,” ayon sa Police Regional Office–Negros Island Region (PRO NIR) nitong Martes.

Inatasan ni PRO NIR regional director Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay ang Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO) na pamunuan ang operasyon para muling maaresto ang suspek.

Agad na inilunsad ang province-wide dragnet, habang nagsasagawa ng imbestigasyon kung paano nakatakas si Sadia.

Kasunod nito, ipinag-utos ng PRO NIR ang mas mahigpit na seguridad sa lahat ng custodial facilities sa rehiyon upang maiwasan ang kaparehong insidente.

Tiniyak ni Ibay na mobilisado ang lahat ng yunit ng pulisya para agad maibalik sa kulungan ang pugante at masiguro ang kaligtasan ng mga komunidad.

Nanawagan din ang mga awtoridad sa publiko na manatiling kalmado ngunit mapagmatyag at agad iulat sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya kung may impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Sadia.

Nag-alok ng P20,000 pabuya ang EB Municipal Police Station sa sinumang makapagtuturo sa kanyang muling pagkakadakip. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here